Chapter Nine


Code's POV
"Ikaw Code, ha! Joyce ka pala!" Pang-uulit sa akin ni JC, Valentine's Day kasi ngayon, napagdesisyonan ko na bigyan si Joyce ng chocolates since araw ng mga puso. Gusto ko lang... well hindi dahil 'gusto ko lang'. Let's say I do have this slight feelings towards her. And malay niyo, by giving her gifts such as chocolates and flowers will make her fall for me too, diba? 

"Picture muna!" sigaw ng isa namin na kaklase, buti na lang at hindi hitsura lang ang maganda sa kaniya, maski ang kaniyang kalooban ay maganda. 

Pumayag naman si Joyce na mag pa picture kami, pinagkakaguluhan kami ng aming mga kaklase. Ang alam kasi ng iba ay si Trixie ang gusto ko, well totoo nagustuhan ko naman talaga siya noon at hindi naman totally na nagustuhan. Siguro ay na-kantyawan lang nila ako kay Trixie at ako naman itong animo'y kinilig daw kaya inakala nila na nagustuhan ko talaga ito. She's pretty yes, but that's it, I don't have the heart eyes towards her. And to Joyce, almost same to Trixie, I just decided to giver her gifts today. 

Si Trixie rin ang dating display picture ko sa isang social media account ko, I just got provoked to put her in my display picture. Aside from there's nothing wrong with it, aside from no one is getting jealous, I also don't care to put her as my DP. Kaso ilang linggo ang nakaraan ay nagkaroon ng komprontahan sa pagitan namin ni Lux. 


"Code, Code hinahanap ka ni Lux..." ani ni JC, napakunot ang noo ko, si Lux? iyong taga Alioth? Basketball player ng Tigers? Bakit naman? Nanliit muna ang mata ko bago napatingin sa paligid ng classroom at nakita na nakatingin sa akin ang karamihan. 

"May issue yata? Awan." ani ni Yago, issue? Tungkol saan? Lahat kami ay napatingin sa gawi ng pinto ng aming classroom nang bigla itong magbukas at pumasok sa loob ng classroom si Lux. Utay-utay ito na naglalakad papunta sa akin. Narinig ko pa ang ilang bulungan ng aking mga kaklase. 

Bahagya akong napasinghal, "Oh Lux, bakit?" Tanong ko dito, hindi ko talaga alam ang nangyayari. Wala naman akong ginagawa sa kaniya, hindi nga kami close, eh. Alam ko lang na pinsan siya ni Lora saka basketball player ng Tigers. 

Tumayo ito sa harapan ko bago nagpameywang at tinasaan ako ng magkabila nitong kilay. "Wala naman, gusto ko lang tanungin kung bakit si Trixie pa talaga ang nakuha mo na ilagay sa display picture mo?" Matigas niyang turan, ang mga kilay nito ay halos magdikit na. Ah, okay gets ko na, kaya niya gusto makipag usap ay dahil kay Trixie na kasama ko sa display picture? Ah okay, iyon lang pala, no problem. 

"Ah 'yon ba, 'wag ka mag-alala, papalitan ko rin 'yon." sagot ko sa kaniya at tumango lamang siya.

"Good, I just want to clear up thing  up" ani niya bago ako nito tinalikuran at lumabas na ng room kasunod ang iba pa niyang mga kaklase na lalaki. Nagdala talaga siya ng back-up, eh. Bukod sa nasa klase namin ang pinsan niya, ano naman ang laban nilang lima sa buong klase diba? 

Hindi naman ako nagdalawang isip na palitan dahil wala rin naman sa akin iyong display picture na 'yon. My case with Joyce is that I seat next to her in some class and I just find myself staring at some time.

"Thank you Code..." Pagpapasalamat ulit ni Joyce, napakalamig talaga ang boses niya, nginitian ko siya bago ito tinalikuran upang pumasok pabalik ng classroom, nakita ko sila Yago at Drake sa loob, si Yago tumutugtog ng ukalele. These past few days before valentines I noticed that he learned playing the ukalele with the help of Marga.  I honestly find it cool, I want to learn how to play it too. But I don't have one, and if I ever buy one, I might loose interest and just store it somewhere in my room. 

"Cause all of me, loves all of you~"

Iyon ang kanilang tinutugtog nang pumaosk ako ng classroom, umupo ako sa aking bangko at nakisabay sa kanilang pagkanta. Ang iba namin na mga kaklase ay may pag patok pa sa kanilang mga bangko kaya mas nadadagdagan ang saya. 

Ilang minuto ang nakalipas ay nagsimula ang sigawan, kanya-kanyang naagaw ang aming atensyon at isa-isa kaming lumabas ng silid upang makita kung ano nga ba ang dahilan ng sigawan. Siyempre curious kaming lahat kapag nakakarinig ng sigawan. 

Sa paglabas ko ng aming silid ay laking gulat ko. Hindi ko inaasahan na makikita ko ito.








Grey's POV
Nagkakagulo ang mga kaklase ko, isa-isa silang pumunta sa classroom ng Suhail, napakunot ang noo ko, anong meron? 

Sumunod na lamang ako, wala akong kagana-gana na naglakad papunta doon, hindi naman ako ganon ka-curious sa kung ano ang nangyayari pero curious ako. Maraming tao ang nasa hallway pero nagawa ko na sumingit upang makita kung ano ang nangyayari. Ngunit sa aking hindi inaasahang pangyayari ay nakita ko si Code na nag papakuha ng litrato kasama si Joyce.

Napakunot ang aking noo habang may kung anong inis akong nararamdaman, ito nanaman siya. Bakit sa tuwing makikita ko si Code ay may kakaiba akong nararamdaman? Ano ba 'to? May sakit na ba ako sa puso? Iba talaga ang nararamdaman ko. Hindi ko siya maipaliwanag at bago itong pakiramdam na ito. It's strange, odd and new at the same time. 

I flicked my tongue and sigh before I faced my back at them. What a childish act. I just went back to our classroom and sit down on my chair. What's happening to you, Grey? Why are you being like this? What does this fast beating of heart means? Wala naman kaming lahi na sakit sa puso. 


Napalingon ako sa aking bag, napakunot ang aking noo nang may makitang rose sa loob ng bag ko.

Nanlaki ang mata ko nang maisip ko kung bakit may rose sa loob, naalala ko si Mommy kanina ay may ginagawa sa bag ko habang ako'y kumakain. Ano ba ang akala ni Mommy!? Na may bibigyan ako ng flowers?! Mom really thinks I am that interested in love. I don't want distractions on my studies. 

Napatawa ako sa aking naisip, I don't have plans on getting into any relationship while I am in college. 

I lean on my chair rest and was about to pull out my phone from my pocket when suddenly an idea popped in my head. 

"Athena!" Nanlaki ang mata ko habang nakatingin kay Athena na tahimik lang na nagbabasa ng libro. 

"Ano...?" Walang buhay nitong sagot, okay pa kaya siya? Parang laging walang buhay, eh.

"May colored paper ka?" tanong ko, hindi agad ito sumagot na tila siya ba ay nag-iisip.

"Meron, kaso green at yellow nalang..." sagot niya, napangiwi ako, green at yellow? Seriously? Magmumukhang mais yung gagawin ko, eh!

I flicked my tongue once again, "Pwede na 'yon, pahingi." ani ko tumango siya bago kinuha ang mga papel sa bag niya, pagka-abot niya sa akin ay may isa pa akong na alala.

"Athena..." Tawag ko ulit sa panahong ito ay hindi na siya sumagot, nginitian ko siya habang nakatingin siya sa akin.

"Meron kang gunting?" tanong ko, hindi na ito sumagot at nagkusa-kusa nang kunin ang gunting bago ibigay sa akin at bumalik sa kaniyang pagbabasa.

Handa na e, kaso may kulang pa.

"Athena-

"Oh, tape!" Ipinagsulsulan na niya sa akin ang tape at tila may tunog na ng inis sa boses niya.

Napangisi ako, "Salamat..." Nahihiya kong turan

Nagsimula na akong gawin ang kung ano man ang pumapasok sa isip ko, konting gupit, sukat at tape lang ay tapos na ako. It doesn't need that much effort... I guess? 

Hindi ito kagandahan, mukha pa nga itong mais talaga. Gumawa ako ng isang simpleng bouquet, may isang rose sa gitna na inilagay ni Mommy tapos binalutan ko nalang ng colored paper ni Athena. 

Kumuha ako ng bond paper mula sa classroom, may printer kami sa classroom tapos syiempre may mga papel, hindi na ako nagbayad. 

Sumulat ako ng simple at maiksing sulat bago guhitan ng heart at saraduhan gamit ang tape. See, it's just a minimal effort. Smallest effort a man can do but at least I still did something, diba? 

Tumayo ako dala ang bouquet at letter, nang paalis na ako ay pinigil ako ni Athena.

"Saan ka pupunta?" Walang kabuhay-buhay na tanong nito.

"Sa Suhail." sagot ko,

May kinuha ito sa kaniyang bag at napakunot ang noo ko habang pinapanod ito, "Oh!" Muli niyang ipinagsulsulan ang isang habang Toblerone.

Nanliit ang mata ko habang nakatingin sa chocolate, "Ano 'to?" Taka kong tanong.

"Alangan manligaw ka nang walang chocolate diba? Saka ang yaman-yaman mo hindi mo 'man lamang napaghandaan ang Valentine's Day, tsk!" Sarkastiko nitong sagot, tumango lang ako bago tuluyang lumabas ng classroom namin patungo sa Suhail. Sa paspasan kong lakad ay nakita ng  mga kaklase kong lalaki ang aking dala.

"Uy Grey! Saan ka?" Tanong ng isa,

"None of your business." Pag susungit ko na may kasamang pag-irap.

Nang makarating ako sa classroom ng Suhail ay sumilip muna ako, nagkakantahan sila. Nahagip ng aking mata si Code.

Pero hindi siya ang pakay ko.

I didn't caught their attention as I enter their room, "Si Kris?" Tanong ko sa kanila, tanging si Sofia lang ang nakarinig sa amin. malapit lang si Sofia kay Kris kaya tinapik niya ito sa balikat, napatingin ito sa akin at sinenyasan ko siya na sumunod sa akin sa labas habang nakatago sa likod ang mga inihanda ko. Napakunot pa ang kaniyang noo bago tumayo at sumunod sa akin sa labas. Paglabas niya ay inilabas ko an ang rose, letter at chocolate na ikinagulat niya. 

"Happy Valentines..." Bati ko saka inabot ang bouquet, letter at chocolate

"Uy, salamat! Grabe! Di mo na kailangan gawin 'to!" Nahihiya niyang turan, napangiti lang ako. Naagaw namin ang attensyon ng ibang first year na nasa hallway. 

"Picture! Picture!" sigaw ng mga kaklase niya na kasama ang mga tukmol kong kaklase.

Ngumiti na agad siya nang may mga cellphone na nakatutok sa amin. Siyempre maski ako ay ngumiti na rin. Sa dami nang tao na nakapaligid sa amin, nakita ko si Code at kitang-kita sa mata niya ang kakaibang ekspresyon. Parang hindi siya masaya. Pero siya rin diba? Nag bigay sa kaklase niya? Pareho lang kami. It's even now. 


Bạn đang đọc truyện trên: TruyenTop.Vip