Chapter Six

Cairo's POV

"Uyy, Cai, tara na!" Sigaw ni Ayesha sabay hagis sa akin ng bola na agad kong nasalo.

"Ayaw ko muna, pass muna ako." Ibinalik ko sa kaniya ang bola at dahan-dahang tumayo, medyo masakit pa kasi ang pasa sa binti ko. Kaya medyo papilay-pilay ako na maglakad nang pumasokk ako kaninang umaga. 

Napakunot ang noo ni Ayesha nang makita ang aking kalagayan, "Ayos ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ni Ayesha.

Nginitian ko siya, "Oo, ayos lang ako, napatama lang binti ko sa bangko kanina kaya nagka-pasa." ani ko at kumunot ang noo ni Ayesha.

"Gusto mo dalhin kita sa clinic?" tanong ni Ayesha at napatawa naman ako. 

"Sus! Ano naman magagawa ni nurse sa pasa? Eh, matagal talaga 'to gumaling. Saka magsasarili nalang 'to." Biro ko, natatawa pa ako habang sinasabi iyon. Maririnig mo rin ang pagigng sarcastic sa boses  ko.

"Eh, at least malulunasan ng konti?" Hindi siguradong sagot ni Ayesha.

Napangisi ako bago umiling, "Huwag na, sige na maglaro na kayo. Maya-maya ay uuwi na ako." Uuwi nga ba ako? Matapos ang ginawa ni papa? Baka naman wala nanaman siya sa bahay, tama wala nanaman siya doon. Lagi naman siyang wala. 

Naglakad na ako palabas ng garden, patungo sa gate, sana lamang ay andun si Mang Willy, siya 'yung nagtitinda ng mga shake, fries, mga silog at kung ano-ano pa sa labas ng campus. Hindi kasi ako nakapag lunch at nawalan ako ng gana kanina kaya naman ngayon ko nararamdaman yung gutom. Hindi nanaman ako nakakain nang maayos kanina.

Pababa ako ng ramp patungo sa cafeteria ng agad kong nakilala ang dalawang magka-ukyabit na nakapila, hayst! Ang mga kamay ni Trixie ay naka pulupot sa braso ni Lux at tila ang saya- saya ng dalawa, nakakadiring tingnan. Simula pa 'yan noong intrams nang maging muse ng Cobra si Trixie at nag model ito at si Lux naman nung mga panahong iyon ay ayun, halos mag laway sa kakatingin. Maganda naman kasi talaga itong si Trixie, hindi mo mapagkakaila. Pero gawing hindi ko lang talaga siya magustuhan.

Umirap ako, nandidiri ako na makita sila na magkasama, awan ko lang. Pero yung iba ay grabe kung maka-kantiyaw kapag magkasama sila, ship ba. LuXie daw, pero hindi talaga, naiinis talaga ako tuwing makikita silang dalawa.

Tuluyan tuloy akong nawalan nang ganang kumain at umakyat nalang pabalik sa classroom.



"Aray!" Sigaw ko nang tumama ang bola sa ulo ko! Bwiset na araw 'to! Cai kasi! Hindi tumingin sa nilalakaran. 

"Ano ba?!?" sigaw ko sa mga naglalaro mabuti nalang ay hindi ito mga higher years.

"Uy, Cai, ikaw pala." Bati ni Lux at kumaway pa. 'Wag mo akong ma kaway- kawayan babatuhin kitang malandi ka!

"Oo ako nga, kaya kung ayaw niyo ng gulo ay ayusin nyo paglalaro niyo sa susunod!" Agad naman akong naglakad papalayo.

"Hmp!" Singhal ko ng makita si Trixie na may hawak na bote ng tubig at pagkain, kumaway pa ito kaya napatingin ako sa kinakawayan niya, si Lux siyempre. Naglalakad kami papunta sa direksyon nang aksidentent magtama ang mga balikat namin.

"Ay, sorry po." ani niya, at nginitian ko ito.

Pero mabait naman talaga si Trixie, ayaw ko lang talaga kapag magkasama sila ni Lux, okay naman kami kapag siya lang. 

"Sorry din." May konting pagsusungit kong turan. Pero dapat konti pa, halata pa eh, medyo masungit pa 'yong pagkakasabi ko. 

"Sorry po talaga." Muli niyang bigkas bago naglakad patungo kay Lux, umiinit ang dugo ko sa inyo!









Code's POV
Thursday ngayon at bukas magaganap ang Teacher's Day, ang mga groups sa dance club ay naatasan na mag kakaroon in intermission number. Siyempre hindi ako nagpahuli! Ako pa ba!? 

"Ah ah naman Code! Mali nanaman!!" Singhal ng a.k.a. leader ng group namin, ang liit naman.

"Ulit uli!" Dagdag pa nito, may kasama pa itong pag padyak sa sahig at kamot nito sa ulo. 

"Ah naman! Break muna." Angal ni Grey sabay lakad palayo kaya wala nang nagawa kundi ang mag pahinga muna kami, napa iling na lamang ako. Si Grey ay may ugaling hindi mo maiintindihan. Sa una ayaw niya tapos konting kulit lang payag na 'yan.

Napa buntong hininga ako at napasandal sa pader ng library. Andito kami ngayon sa likod ng library at dito nag pa-practice. Mabuti nalang at hindi kami napapagalitan. Halos lahat kasi ng dance groups ay dito malapit sa library namin nag pa-practice.

"Sige na Code mamaya nalang ulit tayo mag practice, may isa pa akong group." Ani ng cute size leader namin, nang maka alis siya ay napa hinga ako ng malalim. 

Hanggang sa narinig ko ang pamilyar na kanta. At sinundan ng isang sermon.

"Ah ah Grey! Sabi ko diba, umurong ka." Boses ni Elora ang nangingibabaw sa hallway, nang tiningnan ko kung saan ito nagmumula ay nakita ko sila Elora at Neric kasama ang iba pa nilang ka grupo sa group nila.

Naglakad ako papunta doon at pinanood sila, sinimulan muli nila ang sayaw. Naka pokus lang sa iisang tao ang paningin ko, kay Grey.

Ang swabe ng galaw ni Grey, ang balikat niyang malapad ay sumasabay sa tugtog. I do admire him for that. You can't deny that he does have the ability to dance well. Maybe if he practice more? Ang sabi nito ay hindi siya gaano sumasayaw ngunit maalam siya. At nang mapanood ko itong sumayaw sa unang pagkakataon ay masasabi ko na maalam nga siya. Plus, the facial expression he makes while dancing, that is why some of our female classmates like watching him dance. And maybe I do, too? 

He also seems nice, but it looks like not at first. This wasn't the first time we met. This wasn't the first time I heard his name or their surname. 

During high school, me and Grey once competed in a contest. And I've heard that his parents own a machinery business which is also big and known but not much. It's big enough to be known by people who are into machinery business as well but not the whole business industry. 

Just now that we're going at the same school, I've also been in their house, once that we had a project after intrams, it is huge. But ours is way bigger, their house have a modern design while ours is more elegant look. My parents call it our mansion. We didn't stay there that long, but his mom did welcome us. 

Hindi ko namalayan na tapos na pala mag practice sila Elora. Si Grey na nakatayo ay pinapaypayan ang sarili niya habang lakad ng lakad.

"Grey!" Tawag ko at nang tumingin siya sa akin ay tinapik ko ang puwesto sa tabi ko.

"Umupo ka kaya muna." Ani ko dito, he looked around first before walking towards my side and sitting down on the floor. 

"Akala ko ba break tayo?" Pang-aasar ko dito, siya itong gusto ng break mula sa kabilang group tapos pagdating dito practice ulit siya? 

"Gago may tayo ba!?" Turan nito na may halong sarkastiko, napagtanto ko ang aking sinabi at bahagyang nanlaki ang mata ko. Laking gulat ko nang bigla ako nitong batukan, masyadong mapangharas!

"Aray ko naman!" Singhal ko at hinawakan kung saan ako nito binatukan. 

"Para kasing tanga, ang bakla mo." Sabi niya at napangisi lamang ako.

"Ano oras ka uuwi?" Tanong ko at tumingin sa relo ko na Rolex, 5:45 pm na pala. Dapat ay uuwi na kami.

"Awan, oy Nikki! Tapos naba?" Sigaw ni Neric, napatingin din ako sa gawi ni Nikki. 

Napatingin muna ito sa relo niya at tumango, "Sige dismiss, pero ayusin mo sayaw mo bukas! Nakakahiya!" Sagot ni Nikki, narinig ko na napasinghal si Neric. 

"Sus! Uuwi na ako!" Sagot ni Neric at tumayo bago dinampot ang bag niya.

"Kain tayo kay mang Willy." Akit ko dito nang maski ako ay makatayo na. Natigilan ito at hindi agad sumagot habang nakatingin lang sa akin. 

Tumango ito, "Sige, tara." Sagot niya at agad akong napangiti. 

Kinuha ko muna ang bag ko sa classroom namin bago kami pumunta kay mang Willy sa labas ng campus, siya 'yung nagtitinda dito sa school every afternoon after class.

"Isa nga po ng siokalog." Order ko. It consists of Siomai and kanin at itlog. That's why it's called Siokalog, diba ang utak nila sa pagpapangalan. 

"Uhm, chicken sandwich po sa 'kin." Order naman ni Neric at napatingin ako sa kaniya.

"Yun lang bibilhin mo?" Tanong ko at napatingin siya sa 'kin bago umirap. Lintik na lalaking 'to, galing-galing umirap. May kaklase nga akong babae na hindi marunong. Tapos siya ang galing galing. Paano ba 'yun?

Sinubukan kong umirap, paano ba? Paano ko malalaman kung nairap ako?

"Hoy Code! Anong ginagawa mo?!" Sita sa akin ni Grey bago ako hinampas sa balikat. 

"Ang galing-galing mo kasi umirap, babae kaba?!" Singhal ko dito. 

Napakunot ang noo nito,  "Sira ka! Lalaki ako, baka ikaw hindi!" Inis na sabi nito, ang cute kapag inis siya, inisan ko pa kaya? 

Napangisi ako, "Weh?! Patingin nga!" Biro ko, buti nalang at walang masyadong tao at sana ay hindi na kami pansinin ni mang Willy. 

"Gago ka  ba Code!?" Sigaw niya at hinampas ako sa aking braso. Kanina pa siya nagiging physical. Siguro kung may one-hundred ako kada hampasin niya ako ay mayaman na ako ngayon. 

Ibinigay naman na ang aming mga order at agad din kami na umalis sa may gate at pumasok muli ng campus. Pumunta kami sa garden at naupo sa ilalim ng isang malaking puno. 

"Ang sarap talaga ng toyo ni mang Willy, alam mo yun, hindi maalat, hindi maasim or matamis, sakto lang." Ani ko habang ngumunguya ng siomai. 

"Mas masarap ka 'wag ka papatalo." Biglaang sabi ni Grey na ikinasamid ko, nakita ko siyang nakangisi habang ngumunguya at nakatingin sa kabilang gawi. Nakuntento na yata 'to sa panghahampas sa akin at naging good mood na. 

"Paano mo nalaman? Natikman mo na ba ako?" Pambawi ko dito,  pero putcha,  hindi ko kinaya ang sagot niya. 

"Gusto mo tikman kita?"

Bạn đang đọc truyện trên: TruyenTop.Vip