Chapter Twenty-Six
Cairo's POV
"Conde po," Nanlaki parehas ang mata namin ni Lux nang masamid si mama at tita at animo'y nagpanic pa ang dalawa, hala! Anong meron?!
"Hala! Bakit po?" Nag-aalalang tanong ni Lux.
"Kayo ang may-ari ng malaking kumpanya dito sa Maynila?!" Gulat na tanong ni mama.
Napangisi si Lux, "Ah, yes po, 'yong malaki pong building malapit sa Cathedral. Hindi po ganoon karami ang businesses namin dito sa Philippines, we are more on businesses sa states, kung pag kukumparahin mas malaki ang mga Costa kaysa sa amin pagdating sa business sa Pilipinas. Pero sa states, mas malaki kami. Mas sikat kami sa states." Nahulog ang panga ko, ang dami naman niyang alam sa business nila. Habang kami halo-halo lang ang tinda, tipid pa sa gatas.
"Sa isang Massage Spa kasi ako nag tatrabaho. Tapos itong mama ni Cai nag a-apply din doon, mga Conde raw ang may-ari, eh." ani ni tita, si Lux naman ay napatingin sa akin at ngumiti.
"Ah sige po, kakausapin ko po ang nagma-manage nang business namin na 'yon. I'll tell them to hire tita." Ngumiti siya at napatili si tita.
"Ang gwapo-gwapo nang anak mo Maricar! Naka bingwit ng Conde!" Nanlaki ang mata ko at napatingin kay Lux na nakangisi.
"Tita naman, eh! Kumain na nga lang po kayo, nakakahiya kay Lux." ani ko at sumubo na ng panghuli, mabilis lang naman akong kumain ng almusal. Tumayo na ako at kumuha ng tubig.
"Hindi mo pa nasasagot ang tanong ko Lux kung bakit ka napunta rito." Nabaling ang tingin ko kay mama, si mama naman ay ngumiti lang sa akin at napasimangot ako.
Tumikhim si Lux, "Ah, ano po kasi tita, si Cai po kasi nag-iiyak- aray!" Gulat na napatingin sa akin si Lux at hinimas ang paa niya.
"Anong ginawa mo kay Lux, Cairo?" tanong ni mama at umiling lang ako. Umayos ng upo si Lux at nagpatuloy.
"Ano po kasi... uhm... nami-miss po ako ni Cai- 'wag kang manghahampas!" Natawa akong bigla ng pinutol ni Lux ang pagpapaliwanag niya ng sarili niyang salita para lang pigilan akong hampasin siya.
Nang mapagtanto nito na hindi ko naman siya hahampasin ay huminga ito nang malalim.
"Iyon na nga po, na mimiss niya ako kaya pinuntahan ko na siya." Umirap ako ay pinag-cross ang mga braso ko.
"Namimiss ka ni Cai? Ay hindi ko alam 'yon, miss mo rin ba ang anak ko?" Natigilan kami parehas ni Lux, nag-aalinlangan siyang ngumiti sa akin.
"Opo tita, miss ko na rin po ang anak niyo. Kaya nga po, mag papaalam lang po sana ako na isasama ko si Cai sa mall, okay lang po ba?" Nahihiyang tanong ni Andrei at napa kamot sa ulo.
"Ay oo naman! Kahit itanan mo na ang pamangkin ko." Hirit ni tita na agad naka-ani ng hampas mula kay mama.
"Sheela! Pumapayag naman ako doon, Lux. Basta mag iingat kayo, ha?" Paalala ni mama at tila ba ay may kung anong saya ang sumabog sa akin. Dahil ba pumayag si mama, oh dahil makaksama ko si Lux?
"Sige na Cai, maligo kana at lalabas pa pala kayo ni Lux. Papasok pa pati si tita mo sa trabaho." Utos ni mama at tumango ako saka humaripas ng takbo sa kwarto. Hindi ako mag huhugas ng pinggan!! Yes!!
-
"'Yan na ang suot mo?" Natapos na akong maligo at pumanhik pabalik sa kwarto. Doon ko naabutan si Lux na nakahiga sa kama habang hawak ang cellphone niya. Nailang ako nang kauntian nang siniyasat niya ang suot ko.
"Oo naman... bakit? Pangit ba?" tanong ko at tiningnan ang suot ko. Ayos naman 'to ah, Fila shorts tapos t-shirt galing artwork, anong masama dito?
"Wala ka nabang mas mahaba na short? Alam ko naman na mainit kaya hindi kita pag babawalan mag suot ng mga ganiyan. Pero kita pa ang taas ng tuhod mo dyan, eh." Napakamot pa siya ng ulo at saka binitwan ang cellphone niya. Isinabit ko ang towel ko at naupo malapit sa kaniya saka siya tiningnan.
"Pangit ba sa akin?" tanong ko muli at nag pa cute pa. Ngumuso ako at tiningnan ang sarili ko.
"Of course not! Fine, I won't mind it na. It's your style after all and you look good." he replied and I cannot help but to smile. I nod before heading to the table to grab a comb.
"May hair-dryer ba kayo?" tanong niya at nag-usisa sa paligid.
"Meron d'yan sa drawer." Turo ko sa kaniya habang patuloy na sinusuklayan ang sarili ko.
Nagulat ako nang bigla siyang sumulpot sa likod ko at pinasadahan na ng blower ang buhok ko. Inagaw niya ang suklay at siya na ang nag ayos.
"May hair-straightener kayo?" Kumunot ang noo ko, balak ba niyang ayusan ako? At saka... saan siya natuto mag ganito?
"May salon din kasi kami kung hindi mo alam, kami ang may-ari ng sikat na salon dito sa Pilipinas, okay? Kaya ko alam 'to, and nagpapasalon rin ako. Hindi basta barbers cut lang na tig si-singkwenta. Amin naman 'yong salon after all. May mga panlalaki rin naman na treatment doon." Paliwanag niya, pansin ko lang, parang masyadong defensive si Lux. O baka naman gusto lang talaga niyang mas mag open sa akin.
"Okay na, ready kana ba?" tanong niya at tumayo na ako at tumango.
"May dadalhin ka ba?" tanong niya at tumingin sa paligid. Nagtungo ako sa may kama at kinuha ang string bag ko na laman ang Bench n Bath, charger, power bank, wallet at earphones. Isama ko na rin 'yong ID para may pang discount.
"Tara na?" Akit ko at tumango ito, siya naman ay wallet lang tapos cellphone at panyo ang dala. Napaka-intimidating, eh! Iyong wallet pa niya 'yong kulay black na pang mayayaman tapos ako galing artwork lang akin, coin purse pa.
"Mag-iingat kayong dalawa ha! Enjoy!" Bilin ni mama at hinalikan ako sa ulo bago kami tuluyang umalis. Sumakay kami sa sasakyan nila.
"Diba siya rin kasama mo noon, Lux?" ani noong driver nang makapasok kami sa loob ng sasakyan nila.
"Yes kuya Bong, siya rin 'yon. SM tayo kuya, " sagot ni Lux at nakita kong tumango si kuya Bong. Tinapik ko si Lux na ikinabaling ng tingin niya sakin.
"Anong gagawin natin sa SM? Arcade?" tanong ko and he chuckled, bwiset na lubo 'yan!! Ang cute!
"We will do that if we still have time. I plan on dyeing my hair, how about you? I think ash brown looks good on you. I'm planning Ash grey." he said and I smiled. I've never dyed my hair before it'll be my first time today.
"That's a great idea, parang gusto ko rin. Pero 'yong sayo hindi ba parang halatang-halata naman ng color na yon? Bawal 'yon sa uni, ah." I said and he chuckled.
"Don't worry, kapag mag papasukan na lets just dye our hair black." He said and I nodded..
"I'm also planning on watching a movie, maraming maganda ngayon, you like romance? Ako kasi action but ikaw bahala." He said and I smiled, I like romance... a lot! I read romance book! Medyo may mga natutunan din ako na hindi kagandahan doon pero okay lang.
Natahimik na kami ni Lux, I plugged in my earphones at nakinig nalang ng kpop, that what have been inspiring me and making me happy. Whenever I feel down I would always listen to them. I closed my eyes and enjoy the music.
"Cai, wake up, andito na tayo." Iminulat ko ang mata ko, hindi ko namalayan na nakatulog pala ako. We went out the car at nag-usap pa si Lux at si kuya Bong.
"Let's go?" he asked and I nodded, we went inside at dumiretso sa Starbucks.
"Pwede ba sa loob ng salon niyo ang pagkain?" tanong ko ngumisi lamang ito na ikinainis ko. Umupo na kami sa available table at naghintay matapos namin mag-order.
"Cai... what do you think kung mag mo-model ako?" Napakunot ang noo ko. Mag mo-model siya? It will definitely suit him. Matangkad siya, gwapo, clear skin, mayaman. Oh diba!
"Okay lang," sagot ko at tumango ito.
"Order for Mr. Zach and Mr. Asaiah!" My head snap at napatingin kay Lux, ngumisi ito at saka tumayo at kinuhan ang order namin.
"Why did you put Asaiah?" tanong ko habang naglalakad kami papunta ng salon.
"Nothing, I like that name of yours, so I decided to use that. At saka ang ganda kaya pakinggan, Zach and Asaiah, diba?" He said and smiled, illegal kasi talaga eh! Yung lubo mo! Ngayon ko lang talaga napansin 'yon!
"We're here..." We stopped walking sa harap ng isang glass door. Ganito naman halos lahat ng store dito sa SM. Pumasok kami at laking gulat ko nang mag greet sa kaniya ang mga staff dito.
"I'm with my friend, magpapa-keratin kami and hair dye. I want it five stars." Narinig kong sabi niya sa isang staff, baka manager? Dalawang babae ang nag lead sa amin sa magkatabing seats, totoo nga ang sabi niya. Hindi kami pagagalitan kahit may pagkain kaming dala, kahit may mga nakapaskil na no foods allowed. Buti na lang ay wala pang ibang tao dito.
Nagsimula nang asikasuhin ng isang ate ang buhok ko, it feels weird though. First time ko magpaganito. Its not really my thing but doing it with someone is kind of fun. Siguro kaya hindi ko ito type noong una ay dahil iniisip ko na ma-bobored ako.
"Hey Cai... you okay?" tanong sa akin ni Lux habang nakababad ang gamot sa buhok ko.
"I'm fine," Tumango ako at ganon din siya. I grab my drink at uminom habang naman ang atensyon ko ay nakatuon sa phone ko.
I was scrolling through my social media when someone tagged me to a post from a page. Its SV University Free Wall again. I started to tense up, may mga pawis na namuo sa noo ko, post nanaman ito ni Genesis, pero bakit kailangan pa na i-tag ako at si Lux?!
Tiningnan ko ang post niya, halos maluha ako dito, bakit!? Bakit siya may picture noon?! I started panting, shit! Not here! Nasa bag ko ang pills!
"Cai, Cairo calm down, nakita ko rin. Hindi naman kita ang mukha, eh. We're not sure na tayo ang nasa picture." ani ni Lux, I looked at him, fears in my eyes.
Mas lumala ang paghinga ko. Hindi ko na kaya, I started crying, and tears flow down my cheeks. Mabilis kong hinablot ang bag ko na nasa harap ko at hinalungkat, kumuha ako ng tableta at isinubo iyon bago uminom ng kape.
Few seconds, and I was able to breath normal again, nawala sa isip ko si Lux, when I looked at his direction he's looking at me with wide eyes.
Bạn đang đọc truyện trên: TruyenTop.Vip