Chapter 39
*YAEL'S PICTURE AT THE RIGHT SIDE.
Selena's POV
Ang sakit mawalan.. mawalan ng taong mahal at parte ng buhay mo.
“Time of death: 7:31 PM.”
Lahat malinaw pa sa isip ko. Lahat malinaw pa sa alaala ko. Tipong damang-dama ko pa hanggang ngayon yung sakit, yung hirap ng pagtanggap.
“Sorry, but the patient doesn’t survive any longer..”
Kailangan ba ganito kasakit? Kailangan ba ganito ka-aga? Kailangan bang pamilya ko pa sa dinami-rami ng tao sa mundo? Baket ba ang komplikado ng lahat? Karma? Eto na ba ang karma ko sa pagiging masama ko? Ganun ba ko kasama na lahat ng mahal ko ipagkakait sakin ng mundo? Baket parang sobrang daya naman? Ang dami kong tanong. Tanong na hindi ko alam kung ano ba ang sagot. Pero sa dami ng tanong ko isa lang ang gusto kong marinig ang sagot…
Kaya ko pa ba?
“Time of death: 7:31 PM.”
“Time of death: 7:31 PM.”
“Time of death: 7:31 PM.”
“Time of death: 7:31 PM.”
“Selena, kumain ka na.” Isang linggo na ang nakalipas simula nung nawala siya. Nawala si mommy. Hindi ko alam kung paano ko pa nakaya. Ni hindi ko nga alam kung kakayanin ko pa ba.. Isang linggo na din akong nakakulong dito sa kwarto. Isang linggo na iyak lang ako ng iyak.
“Anak, I know this is hard for you. Mahirap din sakin. Pero sa tingin mo ba ikatutuwa ng mommy mo yang ginagawa mo ngayon? Isang linggo ka ng naka-kulong dito sa kwarto mo.” Isang buong linggo nila kong di maka-usap. Wala rin akong gustong kausapin. Ni si Cloud natakot na sakin dahil nasigawan ko siya. Ang sakit lang kasi…
“Baby, your life must go on. Pagsubok lang ‘to satin. Sana bukas maayos ka na. I love you, baby. Take a rest.” Lumabas na agad si daddy. Hindi ko kasi kayang kausapin sila ngayon. Masyado pang masakit sakin lahat. Alam kong triple ang nararamdaman ni dad pero hindi niya pinakikita sakin, samin. Pinikit ko lang ang mga mata ko at nagsimula nanaman ang pagbagsak ng mga luha ko..
“Time of death: 7:31 PM.”
“Time of death: 7:31 PM.”
“Time of death: 7:31 PM.”
Halos bawat pagpikit ko parang sirang plaka na nag papaulit-ulit sa isip ko yung araw ng pagkawala ni mommy..
Yung araw na kinuha siya sakin, samin…
Crayon's POV
Nandito ako ngayon sa bahay nila Selena. Nagbabakasakali na makakausap ko na siya. Buong isang linggo namin siyang hindi maka-usap at isang linggo na din akong pabalik-balik dito sa bahay nila.
“Tito, hindi pa rin po ba lumalabas ng kwarto si Selena?” Tanong ko sa daddy niya. Hanga din ako kay Tito kasi ang tibay niya. Kahit na halata naman na nasasaktan at nahihirapan siya, ayaw niyang ipakita kay Selena at Cloud…
“Ayaw pa din. C-can you talk to her?” Sabi niya sabay inom ng alak na hawak-hawak niya.
“Sige po tito. Magpahinga na din po kayo. Ako na po bahala.”
“Salamat.” Sabi niya sabay diretso na sa kwarto niya. Agad naman akong umakyat papunta sa kwarto ni Selena. Hindi naka-lock yung kwarto niya kaya nakapasok ako agad. Tahimik lang siyang umiiyak sa sulok ng kwarto niya. Masaklap lang kasi, wala akong magawa…
“Selena…” Agad naman siyang tumayo at niyakap ako. Iyak lang siya ng iyak habang inaalo ko siya.
“Wag ka ng umiyak. Papanget ka lalo niyan sige ka.” Inalalayan ko naman siya pa-upo sa kama niya. Walang tigil pa din ang pagbagsak ng mga luha niya. Kung may magagawa lang sana ako…
Pero olats. Hanggang tiga-punas lang ako ng mga luha niya.
“Naalala mo ba yung sinabi ko sayo nung una tayong nagkita? Naalala mo din ba yung tanong mo sakin kung baket hindi ako umiiyak?” Tumango naman siya pero patuloy pa rin ang pag-iyak niya.
“Kung naaalala mo nga, sana subukan mong gawin. Selena, hindi pwedeng stranded ka na lang ng dahil sa nangyare. Kailangan mong umusad hindi lang para sa sarili mo pero para sa mommy mo. Alam ko namang mahirap yan. Pero naisip mo ba na diba mas mahirap yan kung hindi ka gagawa ng paraan para maging madali yan? Simple lang naman, magmaldita ka ulit. Gawin mo yung mga ginagawa mo dati. Kasi yun ka Selena, yun ka. Huwag mong hayaan na tumigil dito yang pagiging ganun mo. Hindi ka ganyan, Selena, hindi ka ganyan.”
“Crayon…”
“Finally! Akala ko napipi ka na eh. Selena it’s been a week. Lahat ng tao umuusad pero ikaw nagpapa-iwan ka. Ang buhay ng tao parang bilog lang yan. Wala kang hihintuan kasi paikot-ikot lang. Nakakapagod kung titignan pero kung eenjoyin mo at sasakyan mo lang ang bawat pag-ikot nito, masasabi mong, worth it ang bawat pag-usad at pag-ikot mo. Na sa huli, masasabi mong, sumaya ka sa pagsabay sa ikot nito.”
“Oh smile naman dyan. Dali na.” Agad naman siyang ngumiti kaya ginulo ko yung buhok niya. Tsk.
“Thank you…”
“Anong thank you? May bayad yan. Libre mo ko! Date tayo bukas.”
“Makipag date ka sa sarili mo. Ba’t ka ba nandito?” Napangiti naman ako dahil unti-unti na siyang bumabalik sa sarili niya. Atleast, ngumiti na siya.
“Sige na kasi date tayo bukas! Ilibre mo ko!”
“Naghihirap ka na ba?” tanong niya sabay higa niya sa kama niya. Tumabi naman ako sa kanya. Walang malisya ‘to gwapo ako e.
“Lumayas ka nga dito! Ugh. Layas na!” Sabi niya sabay tulak sakin. Tss.
“Hoy! Basta bukas susunduin kita dito. Ge. Goodnight, panget!” Lumabas na ko ng kwarto niya. Shit lang talaga.
Sinasabi ko na nga ba. Ang hirap mapasama sa buhay ni Selena. Ang hirap kumawala kasi…
Clyde's POV
“Hoy Clyde! Tigilan mo yang pag-inom!”
“Yael, wag mo muna kong pakialaman. Alis!”
“G*go ka ba ha? Ano nanaman ba yang problema mo?!”
“La kang pakialam.”
“Tss. Mongoloid talaga kausap ‘tong kupal na’to.”
“Hayaan mo na yan Yael. Problemado sa lablayp niya.” Hirit ni Mike.
“Buti na lang talaga at gwapo ako.” Walang kwentang sabi naman ni Jeff. Mas lalo akong naba-badtrip sa mga presensya nila. Dalawang linggo. 2 fvcking weeks na kong di kinakausap ni Selena! Ni hindi ako tinatawagan. Pag ako naman ang tumatawag hindi sinasagot. Tanginang buhay talaga ‘to.
“Bourbon.” Sabi ko sa bartender. Hindi naman ako nalalasing agad-agad.
“HOY KAYONG TATLO, NANDITO LANG PALA KAYO! AT ANO YAN? BA’T KAYO NAINOM?!” Sigaw ni Sabrina habang papalapit samin.
“Oh ano?! walang sasagot? Hoy Clyde, anong balak mo sa buhay mo?”
“Wag mo ngang pakialaman buhay ko.”
“Tigilan mo nga ako! Sasabihin ko pa naman sayo na hinahanap ka ni Selena.” Agad akong napahinto sa pag-inom. Sht. Nasan si Selena?
“Joke. Tigilan mo na ang pag-inom.” Fuck. Gusto kong murahin ‘tong babae na’to kaya lang naaala kong di pala ko sanay magsabi ng mura sa babae. Tsk. Gwapo ko talaga. Oo Clyde pakamatay ka na.
“Sabrina, tigilan mo nga ako.” Sabi ko sabay iwan na sa kanila. Uuwi ako sa apartment. Tsk. Baket kasi ang tagal umuwi ni Selena?!
♪♪ ..Kiss me slowly..♪♪
Agad ko namang sinagot yung tumatawag sa cellphone ko.
“H-hello?”
[“…”]
“Hello? S-selena?”
[“…”]
“I know it’s you, Selena. Talk to me.”
[I love you, perv.]
“Se—“
*toot.. toot.. toot..*
Shit! Aish! Baket ganun yung boses niya? May problema ba? May problema ba kami?! Tangina ano bang problema?!
Selena's POV
Narinig ko nanaman yung boses ni Clyde. Yun lang naman ang gusto kong marinig. Yung boses niya. Nakapag desisyon na din ako. Planado na din lahat… Sana lang hindi ko pagsisihan. Ayoko lang maging makasarili ngayon. Kaya gagawin ko ‘to. Agad kong kinuha yung telepono ko at tinawagan ang isang taong tutulong sakin ngayon. Nahihirapan man akong gawin ‘to pero kailangan…
[Selena? Oh baket?]
“Tuloy yung plano. The day after tomorrow. P-pwede ba kitang asahan?”
[Sigurado ka na ba sa desisyon mo?]
“Hindi ko alam pero bahala na. So, tutulungan mo ba ko?”
[I will. Sige na magpahinga ka na.]
“T-thank you..”
[Don’t be. Goodnight, Pae.] Sabi niya at pinutol na ang linya. Kaya ko ‘to. Kailangan kong gawin ‘to para sa kaniya. Ayokong maging makasarili ngayon.
Sorry, Clyde…
Bạn đang đọc truyện trên: TruyenTop.Vip